LaGi na LanG kuLanG sa TuLoG!!!

Salamat sa ‘yo, kulang ako sa tulog. Pagpikit pa lang kasi ng mata ko, naiisip ko na kung nakapolo ka nanaman ba bukas dahil wash day. O yung may collar na blue shirt na may stripe ng white which is the one you were wearing nung first time kitang nakita.  Tapos irereplay ng isip ko yung mga kilig moments ko pag dumadaan ka o kaya pag nakikita kita sa dispensing area, o kaya yung feeling na naghihintay sa labas ng pagkatagal tagal pag maagang nadi-dismiss ang class namin tuwing Saturday. Kung marami pa yon, good luck na lang sa eyebags ko. At for that, salamat din sa eyebags.


Salamat sa ‘yo sa edad kong ‘to pinapangarap kong rayumahin na agad ako. Pag malapit na yung time ng chem. namin para bang gusto ko na lang mag stop sa fire exit, wini-wish na sana nag numb na lang ang paa ko at di na makagalaw sa kinatatayuan. Tapos pipilitin ko pa ang mga classmates ko na dun uli dumaan at pahihirapan sila kahit may mas malapit na daan sa main stairs. Tinitignan ko pa kung nangingintab ba ang ilong at noo ko at kung mukha bang hinangin sa labas ang buhok ko. Pagbalik ko sa room ewan ko ba kung nasa anong dimension na ko.

Salamat din sa ‘yo, nasusuya na sa ‘kin ang mga kaibigan ko. Pinsan ko, bestfriend ko, college classmates ko, high school friends. Buti nga wala akong masyadong contact sa grade school friends ko kung hindi lahat na lang nakulitan na sa ‘kin. Kulang na lang pati yung pusang gagala gala sa bahay namin eh kwentuhan ko. Mino-monopolize ko pa ang oras na magkakasama kami, paulit-ulit din naman daw ang mga kuwento. At kahit hindi sila magkakakilala, iisa ang advice nila: DREAM ON GIRL! Mag ilusyon forever. Okay, fine. Buti sana kung nakakatulog ako, di ba?

O sige na. Hindi na ‘ko makatulog pero ano ba namang ginagawa ng sleeping pills? Lagi akong nangangalumata, pero bakit pa ba inimbento ang concealer? Parang nagiging jello ang mga binti ko pero ano na lang ang silbi ng calcium? Ano ba naman yung nasusuya sa kin ang mga kaibigan ko, eh what are friends for? Ano ba naman yung mga yun kumpara sa feeling na para akong nakalutang kahit na nagbaba ako ng pride ko? Sa feeling na busog na busog ako kahit nag aaya pa ko nun na magpuntang ST? Sa feeling na kahit thirty minutes na yata akong naghihintay sa mga friends ko na classmate mo, kapag ngumiti ka, hindi lang sa mukha nawawala ang simangot ko. Pati puso ko nagmumukhang smiley.

Ano ba naman ang mga yun kumpara sa katotohanang nagmamahal ako. At hindi lang basta nagmamahal. Kasi ikaw yun. Dumating ka sa buhay ko at kahit hindi man reciprocated and feelings ko, masaya pa rin ako. Kasi dahil sa ‘yo, marami pa kong nadidiscover sa sarili ko. At para don, nagpapasalamat ako sa ‘yo.

Baka isipin mo kulang lang ako sa tulog. Oo, totoo, pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko ‘to sinulat. At kung hindi pa rin nagsi-sink in sa yo, sasabihin ko ulit.

Two words: Mahal kita..

~3sh.o17~

1 Response so far »

  1. 1

    VofssmusH said,

    November 27, 2008 @ 12:12 am

    hi there!
    I made on photoshop animated myspace pics.
    have a look at them:
    http://tinyurl.com/6mvtjg
    Thank you for your site :) xoxoxo

Comment RSS

Say your words